It's been a month since I last posted here on my blog. After all, natapos na din sa wakas ang HELL WEEK. Cramming dito, cramming doon. Stress dito, stress doon. Kung sa bagay, ganyan talaga ang buhay estudyante - komplikado at mahirap.
Sa College: Kanya-kanyang diskarte. Di uso ang section. Di uso ang good moral. Walang masyadong guidance. Walang principal's office. Sa quiz, di uso one whole, yellow pad ang in! Sa grade, hindi mahalaga kung mataas o mababa, ang mahalaga pasado! Pero alam mo kung ano ang pinakamasarap sa pagiging college na wala sa elementary at high school? Hindi uso ang cleaners.
Sa College: Kanya-kanyang diskarte. Di uso ang section. Di uso ang good moral. Walang masyadong guidance. Walang principal's office. Sa quiz, di uso one whole, yellow pad ang in! Sa grade, hindi mahalaga kung mataas o mababa, ang mahalaga pasado! Pero alam mo kung ano ang pinakamasarap sa pagiging college na wala sa elementary at high school? Hindi uso ang cleaners.
College life. Dito ko na siguro naranasan ang lahat ng "FIRSTSssss" (with S) ng buhay ko. First time kong tinamad mag-aral (promise!!!). First time kong bumagsak in my whole school years! (awww, saklap!). First time kong magdasal na: "kahit tres lang please!!!" (gravityyy!). First time kong pumatay ng professor (sa panaginip). First time kong pumasok ng hindi pa naliligo (eewww...). First time kong umuwi ng 3am from nowhere (bangag). First time kong makaaway ang mga tinuring kong real friends (too sad :"<). First time kong magkaroon ng bunyagang pag-ibig (hansaveh?!). First time kong pumasok ng wala talagang tulog at all (megewd!). First time kong magcut class (that's bad!). First time kong manapak ng snatcher at jackass sa labas (trulalu). First time kong mawalan OR manakawan ng cellphone (damn!). First time kong mangupit ng pambili ng books (psshhh! secret lang natin yan huh?!). Ang dami no?! Hindi pa nagtatapos ang lahat diyan. For sure marami pang mangyayari. Marami pang kasunod.

Dito mo mararanasan ikumpara ang mga bagay bagay. Magsisimula kang mamiss ang high school days mo. Mamiss ang harutan niyo ng mga kaibigan mo. Mamiss ang matulog ng maaga. Mamiss ang paeasy-easy dillemma mo. Dito mo sasabihing "Sana huminto muna ang oras kahit sandali lang.". Dito mo babaguhin ang mga dati ng nakasanayan mo. Dito ka mag-iisip-isip ng mga pangarap na di lang para sa sarili mo kundi para rin sa ibang tao.
Hindi ko sinasabing buhay impiyerno nga ang pagiging isang kolehiyala. Hindi ko rin sinasabing magulo o malungkot. Dapat sa mga oras na iyon, alam na natin ang tama at mali, ang mga dapat at hindi. Mga responsibilidad at limitasyon ay dapat laging isaisip. Sabi nga nila, "more experience, more fun", yun nga lang, kailangan mo ring seryosohin paminsan minsan.








I can relate so much on this one :)
ReplyDeleteGood article - really enjoyed reading it! xoxo
woah! A HUGE thanks! :))))))))))
ReplyDeletenakakarelate ;)
ReplyDeleteHaha. Thank You :)
ReplyDelete